Previous
Next
BM Balgos isinusulong ang pagbaba ng presyo ng elektrisidad

BM Balgos isinusulong ang pagbaba ng presyo ng elektrisidad

By: Lei Madiam

Sa pagpasok ng 2023, isang malaking pagsalubong ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya (SPNV) ang pagkapanukala ng bagong tatlong (3) resolusyon ng tagapangulo ng Committee on Energy at “Kidlat” Ad Hoc Committee na si Board Member (BM) Atty. Edgardo “Edu” C. Balgos nitong nakaraang Lunes, ika-16 ng Enero 2023, na ginanap sa People’s Hall, Provincial Capitol.

Patuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente sa Nueva Vizcaya na nagsimula kamakailan lang lalo na noong 2022 hanggang sa kasalukuyan, na dati’y P7.90 per kilowatt hour (kwh) lamang na naging P16.00/kwh at umaabot na ngayon ng P22.00/kwh.

Pahirapan ngayon sa pagbayad ang mga Novo Vizcayano. Hindi man ito hahayaan na lang ng SPNV, bagkus pinagtutuunan ng Committee on Energy ang lehislatibong mga paraan para rito. Binuo rin ang “Kidlat” Ad Hoc Committee para pag-usapang partikular ang “electric generation, transmission, distribution, price of electricity, and NUVELCO operations, in aid of legislation”. Kasamang nag-sponsor ang mga miyembro ng Committee on Energy na sina BM Roland M. Carub, BM Florante S. Gerdan, at Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative Samuel G. Balinhawang.

Sa katunayan, noong ika-29 ng Nobyembre 2022, nagpulong ang “Kidlat” Ad Hoc Committee kasama ang mga taga-Department of Energy (DOE), Energy Regulation Commission (ERC), Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO), Nueva Vizcaya State University (NVSU), Provincial Engineering Office (PEO) ng Nueva Vizcaya, Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng Nueva Vizcaya, at Philippine National Bank (PNB). Kahilera ng PNB ang mga iba pang bangko na dumalo (Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines) sa mas nakaraang pagpupulong ng “Kidlat” Ad Hoc Committee noong Oktubre upang talakayin ang posibleng pag-invest sa alternative renewable energy para sa ikabababa ng presyo ng elektrisidad.

Ilan sa mga pinakamahahalagang tinukoy ang mga dahilan sa pagtaas ng kuryente sa Nueva Vizcaya at mga karatig na probinsya gaya ng Nueva Ecija ay ang pagtaas ng presyo ng Coal na isa sa mga pinakamahalagang resource material ng ating kuryente at ang pagtaas ng dolyar (USD) na naging mga epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Engr. Nelson G. Canlas, Chief Energy Regulation Officer ng ERC Investigation and Enforcement Division, “Ang kontrata kasi ng NUVELCO ay 22 megawatts at may 10 megawatts na pinipilit pa ring kunin sa isang generation company na mataas ang fuel cost, which is SMEC na ang fuel po niyan ay Coal. Alam naman po natin ang nangyayaring giyera sa Russia na ang isa sa mga epekto nito ay ang pagtaas ng presyo ng Coal. Ang isang magandang solusyon ay mag-stick lang muna ang NUVELCO doon sa kontrata na around 22 megawatts at yung balanse na 10 megawatts, dahil ang pangangailangan na 32 megawatts, eh puwedeng i-purchase doon sa mga nabanggit ng DOE na renewable na puwedeng humila ng pababa sa presyo ng kuryente. Puwedeng tingnan ng NUVELCO yan para kahit papaano ay mapababa ang kuryente, kasi medyo 75% niyan ang total rate ng consumer. Dapat pag-aralan ng maigi iyan.”

Kaya naman ang isa sa tatlong resolusyon na ini-sponsor ni BM Balgos, bilang tagapangulo, ang “RESOLUTION STRONGLY SUPPORTING HOUSE RESOLUTION (HR) NO. 235 ENTITLED “A RESOLUTION URGING THE HOUSE OF REPRESENTATIVES TO CONDUCT AN INVESTIGATION IN AID OF LEGISLATION ON THE RISING GENERATION COSTS RESULTING TO HIGHER ELECTRICITY RATES”. Sina Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist Representative Sergio C. Dagooc at Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) Representative Presley C. De Jesus ang mga nagpanukala ng HR No. 235 noong Agosto 2022.

Sa usaping mabilisang sagot para sa ikababa ng kuryente naman, tinitignan ngayon ang hindi pagsaklaw ng Value Added Tax (VAT) sa kuryente dahil ito ang pinakadirektong pampalubag loob sa ekonomiya ng bawat sambahayan at negosyo ng mga Pilipino. Anupa’t nararapat lamang upang i-sponsor rin ng tagapangulo ng Committee on Energy ang “RESOLUTION STRONGLY SUPPORTING HOUSE BIILL (HB) Nos. 5995 AND 2151 FOR THE PURPOSE OF EXEMPTING FROM THE VALUE ADDED TAX (VAT) THE SALE OF ELECTRICITY TO LOWER THE COST OF ELECTRICITY FOR THE BENEFIT OF THE PEOPLE.”  Pinanukala ni GABRIELA Women’s Party Representative Arlene D. Brosas at KABATAAN Partylist Representative ang HB No. 5995 nitong Nobyembre 2022 sapagkat Pilipinas ang isa sa mga may pinakamataas na singil sa elektrisidad, hindi lang sa generation pero pati na rin sa transmission at distribution.

Samantala, sa HB No. 2151 naman na pinanukala rin nina APEC Rep. Dagooc at PHILRECA Rep. De Jesus, nakasaad dito na hindi man masasaklaw ang VAT sa elektrisidad, maaaring magkaroon naman ng mas maraming investments at mas competitive na mga small at medium enterprises sa pamamagitan ng pagbaba ng operating costs at pagtaas ng purchasing power ng isang sambahayan (households). Kahit kailangan nga naman ng ating bansa ang VAT sa fiscal position nito, mas mananaig pa rin ang pangangailanagan ng sambayanang Pilipino.

Pangatlo sa mga bagong resolusyon na ini-sponsor ni BM Balgos ang “RESOLUTION RESPECTFULLY AND EARNESTLY URGING CONGRESS OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES TO REVIEW AND AMEND THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO. 9136 OTHERWISE KNOWN AS THE “ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT OF 2001” OR “THE EPIRA LAW” IN ORDER TO BRING DOWN THE COST OF ELECTRICITY.” Sumasang-ayon ito sa maraming probisyon na kailangang mapalitan at mabago para sa mas abot-kaya, matipid sa gastos, madaling maabot, at maaasahan na elektrisidad.

Sa nabanggit na pagpupulong noong Nobyembre, sumusuporta sa desisyong ito ang mga kinatawan ng DOE, ERC, at NUVELCO, na may kanya-kanyang hinahandang proposisyon para pag-aralan ng Kongreso. Ayon kay Mr. Jan A. Ramos, Senior Science Research Specialist ng Solar and Wind Energy Management Division ng DOE (SWEMD-DOE), “Actually, ito ay handle ng aming Power Bureau and there is ongoing review ng batas. Marami po kasing phases or packages. So, ang ginagawa ng DOE is package-by-package pero ang pinaka-objective is to provide cheap electricity to consumers.”

Ilan lamang ito sa mga malalaking apak para sa simula ng pagbabago. Patuloy ang pagpupulong para sa pagbaba ng presyo ng elektrisidad sapagkat mananatiling hugot ang ikabubuti ng Pilipino at Novo Vizcayano. 

See PHOTOS here:

https://www.facebook.com/groups/Beloved.Nueva.Vizcaya/permalink/5957866390926922/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ARTA

Office of the Sangguniang Panlalawigan

Covid19 Updates

MONITORING UPDATE |
October 11, 2022

0
Confirmed
0
Recovered
0
New
0
Deaths
0
Active