Agri-Fishery Information Caravan, Isinagawa sa Brgy. Abuyo, Alfonso Castañeda

Matagumpay na isinagawa ng Pamahaalang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya na pinamumunuan ni Gobernador Atty. Jose “Papa Jing” Gambito ang Agriculture and Fishery Information and Technology Caravan sa Barangay Abuyo sa bayan ng Alfonso Castañeda ngayong ika-30 ng Setyembre 2026.

Ang nasabing programa ay pinangunahan at nilahukan ng Provincial Agricultural Office (PAgrO), Provincial Veterinary Services Office (PVSO), Department of Agriculture – Nueva Vizcaya Experiment Station (DA-NVES), at Municipal Agricultural Office ng Alfonso Castañeda.

Sa nasabing aktibidad, ibinahagi ang mahahalagang kaalaman at makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda, kasabay ng pamamahagi ng mga gamot at panlaban sa sakit ng mga pananim para sa kapakinabangan ng mga lokal na magsasaka.

Ipinaabot ni Provincial Agriculturist Absalon Rizal D. Baysa ang mensahe ni Gob. Gambito, kung saan binigyang-diin na ang agrikultura ay isa sa mga pangunahing prayoridad at lubos na tinututukan ng kanyang administrasyon, upang tiyakin ang pag-unlad ng kabuhayan ng bawat pamilyang Novo Vizcayano.

Tinanggap naman ni Municipal Agriculturist Timothy D. Baysa ang mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan at ang buong programa sa ngalan ng lokal na pamahalaan.

Nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat si Punong Barangay Juanito H. Gumunot sa pagdaraos ng nasabing caravan sa kanilang lugar. Tiniyak nito na malaking tulong ang ibinahaging kaalaman at ipinamahaging kagamitan upang mapataas ang ani at mapabuti ang pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan.

Inaasahang magsisilbing mabisang hakbang ang aktibidad para sa mas masigla, matatag, at maunlad na sektor ng agrikultura sa buong lalawigan. #mccd

[This article was first created on Facebook – Provincial Government of Nueva Vizcaya. For PGNV updates, visit: https://www.facebook.com/vizcayareporter]