FAST FACTS ABOUT THE AMBAGUIO ROAD PROJECT: - Nueva Vizcaya, Philippines
<-- -->

FAST FACTS ABOUT THE AMBAGUIO ROAD PROJECT:

By on June 22, 2018

1. Sa pamamagitan ng Provincial Government, nailapit kay President Digong Duterte ang mga proyektong magaangat sa kalidad ng buhay at magbibigay ng tulong sa pangkalahatang populasyon ng Novo Vizcayano. Ang mga proyektong ito ay base sa recommendation ng NV Provincial Development Council na pinangungunahan ni Gov. Carlos M. Padilla na siya namang naiendorso ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya.

2. Ang proyektong naidulog para sa ibat ibang bayan ng probinsiya ay nagkakahalaga ng 370 million pesos at 100 million pesos naman para sa kalsada ng Ambaguio. Itong AMBAGUIO road ay isang PROVINCIAL ROAD kaya’t ang PROVINCIAL GOVT ang binigyan ng DILG at DBM ng mandatong kumpletuhin o isakatuparan ang mga requirements sa pamamagitan ng Provincial Engineering office tulad ng (feasibility study, survey, plano, estimate, at paghanap ng 20% counterpart ng provincial govt)

3. Ang kahilingang alokasyon ay naipaabot kay Pre Digong sa pamamagitan ng DILG, DBM, Bureau of Treasury kalakip ang rekomendasyon ng provl devt council at SP na napakahalaga upang ito ay maisama sa proposed budget ng ating bansa. Itong kabuuang alokasyon ay ipinadala ni Pres Digong Duterte sa Kongreso para sa buong bansa ay nagkakahaga ng 18.5 billion pesos kung saan nakasama ang 370 million para sa ibang bayan ng NV at 100 million para sa Ambaguio road. Subalit ang kabuuang pondo na natalakay ng Kongreso ay naging 8.3Billion na lamang.

4. Dahil nabawasan sa Congress, ang para sa NV ay nabawasan din at naging 157 million na lamang out of the original 370 million pesos na rekomendasyon ng probinsiya at naging 95 million na lang imbes na 100 million yung napunta sa ambaguio road.

5. Hindi lahat ng probinsiya sa Pilipinas ay naging mapalad na makakumpleto ng requirements kaya hindi naging madali sa provincial government ng NV na ito ay maisagawa. Subalit dahil sa nagkakaisang pagtutulungan ng Provincial Government (Provincial Engineering Office, PPDO, SP, PPDC at LFC), ito ay matagumpay na nakakuha ng napakalakas na suporta mula kay Pres. Digong.

Samakatuwid, ang mga ahensiya na dapat unang pasalamatan ng mamamayan ay ang DILG, DBM, Bureau of Treasury at higit sa lahat ang walang sawang pagmamahal at pagsuporta ng liderato ni Pres. Digong Duterte ganun din ang mga opisina ng provincial govt gaya ng SP, Provincial Engineering, PPDO, Local Finance Committee at Provl development council at iba pang mga kapamilya sa Provincial Government ng Nueva Vizcaya.

Ang impormasyong nakalahad dito ay naglalayong magbigay ng kaalaman o impormasyon sa bawat Novo Vizcayano upang lubos nilang maunawaan ang proseso ng tamang paggamit ng gobyerno ng pondo at upang malaman ng bawat isa ang mga pagsisikap ng kanilang pinagkatiwalaang maglingkod sa kanila.