148 na pamilya, tumanggap ng livelihood funds – Nueva Vizcaya, Philippines
<-- -->

148 na pamilya, tumanggap ng livelihood funds

By on February 11, 2017
PIA

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Tumanggap kamakailan ng livelihood funds ang may 148 na pamilya sa lalawigan kahapon mula sa provincial government.

Ito ay handog ng programang Search For Idol Kong Pamilya ng provincial government na naglalayong matulungan ang mga pamilyang mahihirap ngunit kayang pag-aralin ang mga anak at nabubuhay sa tahimik at maayos na sitwasyon.

Si Governor Carlos Padilla, kasama ang kanyang kabiyak na si dating Governor Ruth Padilla ang nagbigay ng P10,000.00 bawat beneficiary sa idinaos na programa sa provincial capitol sa bayang ito.

Ang mga beneficiaries ay mula sa 15 bayan ng lalawigan at pumasa sa barangay level evaluation ng Search for Idol Kong Pamilaya program.

“Umaasa kami na gagamitin ninyo ito sa mabuting paraan at naaayon sa inyong pinirmahang kundisyon upang lalo pang gumanda ang inyong pamumuhay. Gamitin ninyo ito upang kayo ay maging negosyante at kumikita para sa inyong pamilya,” pahayag ni Padilla.

Ang nasabing programa ay inumpisahan ni dating Governor Ruth Padilla noong 2014 at nagbigay na ito ng mga livelihood assistance sa mahigit 300 na mahihirap na pamilya sa lalawigan.

Ito ay bahagi ng PRAYERS AND FAITH Agenda ng kasalukuyang administrasyon ng provincial government.#BenMosesEbreo/PIA-NuevaVizcaya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *